Entries for May, 2004
May 20th, 2004
MARARATING MO RIN ANG ORAS NG KALIGAYAHAN POSTED AT 07:36 AM 3 katay moments
|
|
May 22nd, 2004
MUNDONG SQUARE POSTED AT 01:02 PM Gusto ko lang sabihin ito Ang tigas kasi ng ulo Parang ako Wirdo kung tawagin pag ika’y kakaiba Yung pag lagi kang nasa ibang dimension At laging lumulutang sa ere. Naglalakbay lagi ang isip… Wala lang! Ang wirdo kasi talaga Nawiwirduhan na ko sa sarili ko Ni hindi ko na kilala ang pagkatao ko Minsan iniisip ko baka patay na ako Ewan ko kung ako ang nagpapakumplikado ng isip ko. Marami lang sigurong nakakaimpluwesya Maraming bumubulong sa akin… Parang… Parang hangin. Hangin sa utak ko? Baka nga may problema naman dun. Baka baliw naman ako. Ang bilog ata ay square Ang square ay triangle Ang oblong hindi naman blue Pero yellow ang nakikita ko Anon a bang stage ito ng buhay ko? Nalilito na ako Marami akong gusto- Gustong parang ayaw ko. Ang sarap mag- isa Malungkot mag- isa Iba pag may kasama ka… Gusto ko rin yun- Ayun ang halimbawa. nahukay sa baul... tas binasa ku... tas pi- nost ko kasi.. wala lang.. para kasing walang pagbabago sa kin.. walang pag- angat.. ganun pa rin.. lagi na lang may tanong... wala namang mahanap na sagot... haaayy... rrrrr |
|
May 22nd, 2004
ANO BA AKO? POSTED AT 01:35 PM Anak, kaibigan, kaaway sa iba. Responsible, Iresponsable Tamad, Tamad? Masipag? Masipag. Iba daw ako kung mag- isip. Para sa aking edad Marami ng responsibilidad Pero nagagawa ko ba? Mahilig ako sa musika Kakambal ko ito (para sa akin) Sa iba’t- ibang sining me talento rin ako (para sa kin uli) Sa arte kumbaga- nakakaintindi ako, Sa tamang emosyong nararamdaman ko At sa maling guhit na isinusulat ko. Sa anggulong sinusukat sa pagkuha ng litrato, Pag- video cam at pagsulat ng ganito; Isa lang ang gumagana… Emosyon. Sa madaling salita, emosyonal ako. Low EQ? High EQ? Ewan ko. Basta alam ko, tanga ako! Bakit?! Kasi hindi ko alam ang sagot. Mahilig akong umiyak, tumawa at tumunganga. Ang sarap kasi ng pakiramdam kapag may malalim na iniisip Parang wala kang problema kahit ang malalim na iniisip ay problema. Ako ay mapagpanggap Ako ay maaalalahanin Ako ay sinungaling Ako ay mabuti Ako ay tapat, mapagbigay at matulungin Ako’y hindi nakakaintindi Ako ay sensitibo. _______ assessment na walang pagbabago... naisulat noon pang september 03... wala lang ule... Feeling: nothing |
|
May 22nd, 2004
Ang galing talaga ni God... POSTED AT 06:44 PM hehe. alas dos na naman. nocturnal na rin. umuulan ng malakas. ang ingay ng kulog at kidlat. nag reboot mag- isa tong pc.. madilim. diniliman ko din yung ilaw ng monitor para wala akong magambala. .. pero takut ako mag- isa. wahehe.. abning na naman ako... kakatapos lang sa mga payo- payo. shoot.. naisip ko lang parang ang galing pala nung usapan namin kanina. parang am bait ko. parang lang... hehe... pero ayun.. game na talga. astig.ayun.andami kong sinabi.sana naman makatulong sa kanya yun...(naisip ko lang am mahal palang journal nito). weird.. hindi ko pala talaga masasabing ang wirdo ko, at pakiramdam ko lang yung ako na yung may pinaka wirdong nararamdamang tao palagi. oo nga, normal lang talaga yun. lahat ng tao wirdo sa kanilang sariling pamamaraan. di lang nila napapansin...o wala lang talagang nakakapansin pero parang ganun yun. i- sa save ko sana yung conversation namin. ang daming laman nun. andun lahat ng sinabi nia na magbabago na siya. ewan ko ba naman kasi kung bat bigla na lang nag re boot yung pc nung i-kiklik ko na yung save! err!! naniniwala na tuloy aku sa kwnto nila.. may masamang mangyayari sakin kapag kinalaban siya? e mortal den naman siya! anong meron.. haaay.. coincidence naman lagi ang pedeng sabihin e.. pero ayun talaga yun. cge na nga.. wirdo na nga! nawala bgla yung isa kong kausap sa ym. pinag uusapan namin yung pinayuhan ko kanina. siya yung nagsabi ng "kawirduhan ekek". bgla den naman siang bumalik.. ang saya .. sabay sabing "nag brown out sa min nung sinabi ko yung kawirduhan" waaah... ayoko talagang maniwala! pero.. ayoko ngang maniwala sabi e!! hehehe! larry : hey, nung sinabi ko na di ka naweirdohan? biglang brown out ismongman: hehhe ismongman: ayus ismongman: wak na tayung maki jam sa iniisip nia larry : pero thats makes me think na ang galing tlga ng God kc he makes this coinsidences na kinda weird d b? ismongman: uu naman ismongman: hehhee ismongman: kaya nakkatakut tlga si God no? larry : nakakatakot in a way the holy fear.. ismongman: uu ismongman: waaa ismongman: basta... ismongman: ayan ismongman: mixed emotions na ku ismongman: wahehe larry : u know, sa sobrang taas ng blood sugar ko, nung nagpaospital ako anytime daw bka himatayin ako.. pero it never happened ismongman: larry : kya nga nahihiya ako sa God kapag hindi me nakakasamba.. BUZZ!!! ismongman: ay ismongman: naku ismongman: sinabi mo pa ismongman: aku den ismongman: kakaiba yung feeling no larry : oo nga eh.. tsaka siya lang tlga iniiyakan ko kpag feeling ako ako na lang mag-isa.. ismongman: waaah ismongman: totoo ismongman: larry ismongman: shoot ismongman: grabe ismongman: iba yung nagagawa niang emosyon sa ting naniniwala sa kanya. sobra larry : ung parang khit ang dmi mong kasalanan.. nandyan lang siya plgi.. naiiyak na ko ismongman: aku den ismongman: loko larry : there's this comfort kc hindi mo maintindihan.. larry : db? ayun..me gusto pa kong isulat.. pero wala na kong maramdaman... itutuloy... Feeling: halo halong emosyon |
|