Entries for June, 2004
June 24th, 2004
UNIVERSAL REMOTE CONTROL POSTED AT 01:12 PM Yung sobrang high tech; Pang-TV, pang-radyo,pang- vcd Pang-DVD,pang-electric fan, pang- aircon Pang- pinto,pang bintana, pang- ref At higit sa lahat, Pang utak ko. Sana yung may pindutang colored Para isang pindot lang Magkakabuhay ang paligid. O di kaya nman, black and white na den Para simple lang ang buhay Walang kahit anong arte. H’wag kakalimutan Yung mute at volume control Para pag rindi na ko Sa ingay ng kapaligiran, Isang pindot lang ule Makahihinga na ko. Okey din pag may pause. Para pag di na naman ako nag- iisep; Pag wala na naming control Sa sinasabi at kinikilos. Saka sleep timer. Kailangang kailangan ko yun sa gabi O maski anong oras sa umaga. Para pag andyan na naman Yung mga nagliliparan sa utak ko, Pampatulog na ang katapat Tutal di ako tinatablan ng panaginip. Imposibleng di ko isama yung power- Panindi at pamatay. Para pag hindi ko na talaga kaya, At nasira na ang lahat ng controls; Pag paulit ulit na ang palabas At himas ng hangin; At natapos ko na’ng lahat ng dapat tapusin… Papahinga na ko. Isang pindot tepok- tapos ang problema. Pero teka…paano naman? Kung magkaroon nga ako ng ganun… Sino naming kokontrol sa akin para ikontrol yun? katay moments
|
|
June 24th, 2004
MEGAPHONE POSTED AT 01:15 PM Magkwento at kumanta ng wala sa tono; Ni hindi ako nakikinig sa titser, Kahit nagtuturo, dumadaldal ako; Walang library- library sa akin. Wala akong pake sa patpat ng librarian namin; Kahit natutulog, Nagbabanggit pa rin daw ako ng kung anu- ano; Lagi akong nahuhuli pag nagtataguan kami. Di ko kasi mapigilang tumawa habang pinapanuod yung taya sa paghahanap; Di na bagong mapagalitan ng matatanda Sa pakikisabat sa kanilang mga usapan; Ang ingay- ingay ko, sabi nila. Habang ikaw, tahimik lang. Tahimik na nagbabalak at Nagnanakaw ng pagkatao; Ihinihinga ang mga salitang sumisira Sa mga nagtuturing sa’yong kasama. Di nila pansin, Mas maingay ka kaysa sakin. |
|
June 24th, 2004
(wala pang title) POSTED AT 01:19 PM kriing… Bago pa sagutin Makailang tinginan muna Ang magaganap ditto sa Loob ng icu waiting room “mr. reyes? Icu 4 Baba daw po kayu” Tensyonado ang bawat galaw Pansing pansin ang pagkalito Anumang gawing pagtatago nito Takpan mo man ang mukha Upang itago ang luha; Alam ko. Aninag ko sa likod Ng twalya mo Ang nangingilid na luhang Sawa ng tumulo pa. “huhugutin ba?” “paooperahan ba?” “oo may pera pero di na rin kayang isalba.” “san ba may e-load dito!?” ”ano, kelan ba kayo uuwi? Kelangan kayo rito” “walang pamasahe pauwing Pilipinas” “pero teka.wag muna kayong magdesisyon.” “mag aalas dose na… kelangan na talaga.” Walang may alam ng dapat na gawin Habang walang kakilos kilos na nakikiramdam Ang nakaratay sa banig ng karamdaman Ang siyang nahihirapan na ng tuluyan, Tulad ng hirap na tiising makita siyang ganyan. Last two minutes. Natabunan na ng hagulgulan Ang huni ng mga elektronikong Panawid buhay ng ama. “Huhugutin na ba?” H’wag! Wag muna. Huhugutin ko na? H’wag! Hugutin mo na… Ayoko. Tooooooot… |
|
